12.02.2005

Dress with flair.

I got this from Sherman's blog. Kaaliw sagutin.

huling dyaryo na binasa mo?
Philippine Daily Inquirer (gusto ko sanang sabihin Guardian kaso matagal na akong hindi napapadpad sa site nila)

huling taong kinausap mo?
Si Sir Matt, yung officemate ko

may nunal ka ba sa braso?
wala. Meron ako maliliit na peklat

kamusta ka naman?
ayos lang. busog kasi nag extra ulam ako sa free lunch (me seminar sa opis ngayon)

ano nasa paligid mo?
tables, computers at kung ano-ano pa na nakikita sa opis

may alaga ba kayong pusa?
wala. Aso – pangalan niya September

malamok ba dyan?
Nope. Malamig

marunong kang kumanta?
Marunong naman hindi lang kagalingan at madaling mapaos ang boses

kelan ka huling natawa ng malakas?
Kahapon nung ikine-kwento ko kina Indi and Ruby yung weird kung panaginip

huling napanood mo sa tv?
Actually DVD ng The OC season 2 episode 12 kung saan nag kiss sina Alex at Marisa by the beach kasunod ng matalinhagang linya mula ke Alex: The tide has turned.

huling tinext mo?
Si Diego Maps to congratulate him dahil dumating na sa wakas ang baby nila ni Mama Ge.

describe youself in ONE word.
Survivor (o di ba? Destiny’s Child ever)

huling ginawa mo bago matulog?
Hinalikan si Veda at bumulong sa kanya ng “Love you Babykins”

nakapunta ka na ba sa cebu?
Yup, to cover Yano for Manila Times. Sabay sila ng gig noon ng Eraserheads. Ang daming tao sa Stadium. Halos 12,000 yata.

huling inutos sayo ng magulang mo?
I never met them. (greatest tragedy of my life). Well actually, they did leave me with this wooden medallion with the words “Be well, Earnest.” Nakalimutan ko na yung ibang nakasulat. Mahanap nga ulit yun. (hahaha parang partner sha nung bracelet na me pangalang Inamorata)

magulo ba dyan sa lugar nyo?
Hindi naman. Maliban lang kung me activity ang mga students sa Plaza Villarosa

may bf/gf ka ba ngayon?
Asawa meron

nakapunta ka na ba sa malabon zoo?
di pa. Dapat nga madala na doon yung anak ko. Actually pati Manila Zoo di pa niya napupuntahan. Anong klaseng magulang kami? In fairness, nakarating na siya sa Subic Petting Zoo (pero kasama niya doon yung mga pinsan at auntie at uncle niya).

huli mong kinain?
Free lunch care of the seminar (fish fillet with somekinda sauce, chopsuey, rice and brownie slice)

huli mong ininom?
Water

huli mong kinanta?
Blue Light ng Bloc Party (if that’s the way it is/then that’s the way it is)

naka-experience ka na ba ng lindol?
Uh-huh. Noong 1991. Nasa jeep ako from SM City nung nakita ko na nag sway yung triangle-shaped yellow gate sa me papasok ng SM City

kelan ka huling sumakay ng elevator?
Sa Astoria noong birthday ni Sherman

anong gagawin mo bukas?
Attend yung Christmas party for Kids and parents ng CSB

huling tumawag sayo sa phone/cp?
di ko kilala – hinanap niya yung office mate ko
sa CP si JD regarding yung interview ko with her for my working mom article

ano palabas sa tv ngayon?
I dunno. Nasa opis kasi

anong oras ka natutulog?
mga 11 o 12

ano sinasakyan mo papasok?
jeep, LRT 2 then LRT 1 (pwede ring MRT instead of LRT 2)

kumakain ka ng bayabas?
yup

nagka-sore eyes ka na ba?
yup. Ngayon para na akong me permanent sore eyes – eyestrain na ito!!

kelan ka huling nagswimming?
sa Boracay nung first week ng Nov 2005

ano sinusuot mo pag natutulog?
tshirt at shorts

kumakain ka ba ng ampalaya?
Yup. Isa sa favorite veggies ko

may malala ka bang sakit?
hypertensive ako. Bad trip, no more isaw for me

anong ginawa mo kaninang 8am?
sinilip kung gising na si Veda

may damit ka ba na ang brand ay bench?
Oo

hang ten?
a pair of pants o ke Buddy ba yun?

blue corner?
wala

kelan ka huling nagpagupit?
Summer pa ata

nakagat ka na ba ng aso?
mga ilang beses na rin.

nasan ka kaninang 3pm?
sa bahay tulog

kelan ka huling nakakita ng rainbow?
Can’t remember

madalas ka bang magchat?
not so much.

nakitulog ka na ba sa bahay ng friends mo?
Oo naman. Hindi na nga lang kasingdalas tulad dati. actually buhat nung me anak ako hindi na unless nasa hotel sila for a night and they'd invite us to stay. needless to say, package deal kami - laging kasama si Veda.

fave radio station mo?
Jam, NU, 104.3 (para sa talaga naming lumang tugtugin)

kelan ka huling na-badtrip?
Recently lang kaso di ko maalala kung kelan exactly

nakasakay ka na ba ng pampasaherong bus?
Yes.

ano huli mong napanaginipan?
Umaakyat ako ng isang hanging stairs na spiral. Ang hirap akyatin tapos by the time I was almost at the top, sabit sabit sa steps yung damit ko at hindi ko alam paano i-untangle.

ano madalas mong pinapanood sa tv?
mga palabas sa Starworld

san ka nagpnta nung new year?
asa Zambo with my husband’s family

may kaaway ka ba ngayon?
Wala naman.

sa tingin mo may nagagalit sayo ngayon?
Ewan. Ma. At kung meron man, problema na nila yon, di ba?

San mo gustong pumunta sa ngayon?
sa mall manood ng Harry Potter and the Goblet of Fire ulit

anong kulay ng bag mo?
brown

2 Comments:

Blogger starshuffler said...

Hi Nest! Walang kinalaman ito sa post mo, pero ang cute ninyo rito ni Marie. ;-)

2:26 AM  
Blogger miranila said...

Thanks Jovan for the heads up.

Cute nga hehehe

6:21 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home